Inilunsad Linggo, Hulyo 29, 2018 ng Tsina ang dalawang BeiDou navigation satellite, sa pamamagitan ng isang Long March-3B carrier rocket, mula sa Xichang Satellite Launch Center, sa Sichuan Province dakong timog-kanluran ng bansa.
Ang nasabing dalawang satellite ay naka-code na ika-33 at ika-34 satellite ng BeiDou Navigation Satellite System (BDS).
Ang BeiDou ay nangangahulugang Big Dipper sa wikang Tsino. Noong 2000, nagsimulang magkaloob ng indepedyenteng serbisyo sa buong Tsina ang BeiDou System. Sa katapusan ng taong 2018, inaasahan itong makapaglilingkod sa mga bansa sa kahabaan ng Belt and Road.
salin:lele