|
||||||||
|
||
Naniniwala ang Tsina na ang kalawakan ay komong yaman ng iba't ibang bansa at ang paggagalugad at mapayapang paggamit ng kalakawan ay komong pangarap ng sangkatauhan. Upang matupad ang pangakong ito, sa taong 2018, buong higpit na nakipagtulungan ang Tsina sa iba't ibang panig sa paggagalugad sa kalawakan.
Bilang kasaping bansa ng Asia-Pacific Space Cooperation Organization (APSCO), mahigit 220,000 satellite image ang ibinigay ng Tsina sa APSCO para tulungan ang iba pang mga kasapi sa pagtugon sa kalamidad, pagsusuri sa kapaligiran, pagtasa sa likas na yaman at produksyong pang-agrikultura, at iba pa.
Nitong nagdaang Disyembre 8, inilunsad ng Tsina ang Chang'e-4 lunar probe. Inaasahan itong magsasagawa ng kauna-unahang "soft landing" ng sangkatauhan sa "far side" ng buwan. Upang mapasulong ang pakikipagtulungang pandaigdig sa programa ng paggagalugad sa buwan, sa mga misyon ng Chang'e-4, nagsagawa na ang Tsina ng apat na scientific payloads na idinebelop ng mga siyentista mula sa Netherlands, Alemanya, Sweden at Saudi Arabia.
Kasabay nito, ang BeiDou Navigation Satellite System (BDS) ng Tsina ay kasalukuyang nakapagkakaloob ng serbisyo para sa mga bansa at rehiyon sa kahabaan ng Belt and Road. Sa taong 2020, inaasahan nitong paglilingkuran ang buong daigdig.
Nitong nagdaang Hunyo, napaimbulog ng Tsina ang Fengyun-2H meteorological satellite. Sa kasalukuyan, mahigit 80 bansa't rehiyon ay nagtatamasa ng mga serbisyo na dulot ng serye ng Fengyun satellite ng Tsina.
Bukod dito, nagpasulong din ang Tsina ng pakikipagtulungang pangkalawakan sa iba't ibang paraan at larangan sa Pransya, Italya, Brazil, Nigeria, Venezuela, Bolivia, Laos at Belarus.
Salin: Jade
Pulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |