Ipinatalastas kahapon, Biyernes, ika-11 ng Enero 2019, ng Tsina ang tagumpay ng Chang'e-4 mission, kung saan naisakatuparan ang makasaysayang soft-landing sa malayong bahagi o far side ng buwan.
Ayon sa China National Space Administration, sa tulong ng relay satellite na Queqiao (Magpie Bridge), kumuha ng mga larawan ng isa't isa ang rover Yutu-2 (Jade Rabbit-2) at lander ng Chang'e-4 probe. Maayos din ang naging takbo ng mga instrumentong siyentipiko sa probe, at matagumpay na ipinadala sa ground control ang mga kinuhang larawan at detection data. Pagkaraan nito, pumasok ang Chang'e-4 mission sa mahabang yugto ng paggawa ng scientific detection.
Sa Chang'e-4 mission, nagkaroon ng kooperasyon ang Tsina at mga bansang dayuhan. Halimbawa, dinala sa kalawakan ang mga instrumentong siyentipiko ng Alemanya, Sweden, Netherlands, Rusya, at Saudi Arabia; at ibinahagi rin ng Tsina ang mga data sa Argentina, European Space Agency, at Amerika.
Ayon sa panig Tsino, mas bukas sa labas ang mga susunod na programang pangkalawakan ng bansa, at isasagawa ang mas maraming kooperasyong pandaigdig.
Salin: Liu Kai