|
||||||||
|
||
ChangElanding
|
Mapapanood sa video na ito ang paglapag sa far side ng buwan ng Chang'e-4 probe.
Alas-10:26 ng umaga, nitong Huwebes, Enero 3, Beijing/Manila Time, naisagawa ng Chang'e-4 lunar probe ng Tsina ang soft landing sa far side ng buwan. Bunga nito, ang Chang'e-4 ang naging kauna-unahang spacecraft na lumapag sa di-naaabot na bahagi ng buwan, at ang Tsina ay nagsisilbing kauna-unahang bansa sa daigdig na may spacecraft na lumapag kapuwa sa near side, bahagi ng buwang nakikita sa mundo at far side, bahagi ng buwang di nakikita sa mundo. Noong 2013, dumating ng near side ng buwan ang Chang'e-3 lunar probe ng Tsina.
Makaraang mag-soft-land, sa tulong ng relay satellite na Queqiao (Tulay-Magpie), ipinadala ng probe ang kauna-unahang close-up na larawang kuha mula sa far side ng buwan.
Inilunsad ng Tsina ang Chang'e-4 lunar probe na binubuo ng isang lander at isang rover, noong Disyembre 8, 2018, sa pamamagitan ng Long March-3B rocket, sa Xichang Satellite Launch Center, lalawigang Sichuan sa dakong timog-kanluran ng Tsina.
Upang mapasulong ang pakikipagtulungang pandaigdig sa programa ng paggagalugad sa buwan, sa mga misyon ng Chang'e 4, isinagawa ng Tsina ang apat na scientific payload na idinebelop ng mga siyentista mula sa Netherlands, Alemanya, Sweden at Saudi Arabia.
Ang programa ng Chang'e-4 na sinimulan noong Enero ng 2016 ay binubuo ng dalawang pangunahing misyon ng paglulunsad ng relay satellite at lunar probe. Noong Mayo 21, 2018, inilunsad ng Tsina ang relay satellite na tinaguriang Queqiao sa nakatakdang orbita at nananatiling maayos ang kalagayan nito.
Salin: Jade
Pulido: Rhio
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |