Isiniwalat Enero 6, 2019, ni Donald Trump, Pangulo ng Amerika na kasalukuyang nagsasangguian ang Amerika at Hilagang Korea hinggil sa lugar ng ika-2 pagtatagpo ng mga lider ng dalawang bansa. Noong Hunyo ng 2018, nagtagpo sina Trump at Kim Jong-Un sa Singapore ay naglagda ng magkasanib na pahayag.
Nang araw ring iyon, ipinahayag ni Trump na may mainam na diyalogo ang Amerika at Hilagang Korea, pero, sinabi rin niyang nananatiling mabisa ang sangsyong isinasagawa ng Amerika sa Hilagang Korea.
Nauna rito, sinabi Enero 2, 2019, ni Trump sa pulong ng gabinete na tinanggap niya ang isang mensahe mula kay Kim Jong-Un, lider ng Hilagang Korea, at aniya, posibleng makipagtagpo siya kay Kim sa malapit na hinaharap.
salin:Lele