idinaos Enero 2, 2019 sa Beijing, ang pulong bilang pagdiriwang sa ika-40 anibersaryo ng pagpapalabas ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC), Gabinete ng bansa ng "Mensahe sa mga Kababayan sa Taiwan." Hinggil dito, nagtalumpati si Pangulong Xi Jinping ng Tsina hinggil sa relasyon ng magkabilang pampang ng Taiwan Strait. Binigyan-diin niyang ang pagsasakatuparan ng reunipikasyon ng bansa ay palaging tungkuling pangkasaysayan ng Partido Kumunista ng Tsina (CPC), pamahalaan at mga mamamayang Tsino, upang maisakatuparan ang pag-ahon ng Nasyong Tsino. Dagdag ni Xi, ang bansa ay dapat at tiyak maging reunipikado.
Tinukoy ng mga tagapag-analisa na ang limang mungkahing iniharap ni Xi na tulad ng dapat magkakasamang magsikap ang mga mamamayan sa magkabilang pampang ng Taiwan Strait para mapasulong ang pag-ahon ng Nasyong Tsino, dapat hanapin ang "dalawang sistema" ng mainland at Taiwan, dapat igiit ang prinsipyong Isang Tsina, dapat palalimin ang magkasanib na pag-unlad ng dalawang panig, at dapat maisapatuparan ang komong hangarin ng mga mamamayan ng magkabilang pampang ng Taiwan Strait, ay nagpaliwanag ng direksyon at paraan para paunlarin ang relasyon ng mainland at Taiwan.
Hindi lamang ipinatalastas ng nasabing limang mungkahi ni Xi ang target ng mapayapang reunipikasyon at pag-ahon ng buong bansa, kundi ipinaliwanag din ang plano ng "isang bansa, dalawang sistema" sa pamamagitan ng pantay-pantay na pakikipagsanggunian sa iba't ibang sirkulo ng Taiwan, at pagpapalalim ng magkasanib na pag-unlad ng kabuhayan, kultura, medisina, at seguridad na panlipunan para lumikha ng espasyo para sa mapayapang reunipikasyon. Samantala, nagbabala rin si Xi na hindi dapat mag-iwan ng espasyo sa anumang aktibidad ng pagsasarili ng Taiwan.
"Ang isyu ng Taiwan ay lumitaw dahil sa kaligaligan at kahinaan ng nasyon noon, at dapat matapos ito dahil sa pag-ahon ng bansa." Ang pananalita ni Xi ay nagdudulot ng inspirasyon sa lahat ng mga Tsino.
Salin:Lele