Ipinahayag ng Tsina ang matinding pagtutol sa ulat ng Defense Intelligence Agency (DIA) ng Estados Unidos hinggil sa kaunlarang militar ng Tsina, dahil wala itong batayan at haka-haka lamang.
Sa regular na preskon nitong Miyerkules, Enero 16, hinimok ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina ang panig Amerikano na tumpak na pakitunguhan ang kaunlarang militar ng Tsina para mapangalagaan ang panlahat na kalagayan ng mga relasyon ng dalawang hukbo at dalawang bansa.
Palagay ni Hua, puno ng mentalidad ng Cold War at zero-sum ang nasabing ulat na pinamagatang Assessment on US Defense Implications of China's Expanding Global Access.
Diin ni Hua, bilang tagapagsunod sa mga norma at regulasyong panrehiyon at pandaigdig, laging nananangan ang Tsina sa landas ng mapayapang pag-unlad, at lagi itong naninindigan na pangalagaan ang sariling interes sa pamamagitan ng alituntunin, sa halip ng mga sandata.
Kaugnay ng isyu ng Taiwan na mababasa rin sa nasabing ulat, inulit ng tagapagsalitang Tsino na ang isyu ng Taiwan ay suliraning panloob ng Tsina, at hinimok niya ang Amerika na buong-higpit na tumalima sa prinsipyong Isang Tsina.
Salin: Jade
Pulido: Mac