Sa bisperas ng gagawing pagdalaw ni Punong Ministro Hun Sen ng Kambodya sa Tsina, ipinahayag Miyerkules ng hapon, Enero 16, 2019 ni Wang Wentian, Embahador ng Tsina sa Kambodya, ang pag-asang sa pamamagitan ng nasabing pagdalaw, mapapalalim ang pagtitiwalaang pulitikal ng Tsina at Kambodya, mai-a-upgrade ang pragmatikong kooperasyon, mapapalawak ang people-to-people exchanges, mapapalakas ang kooperasyon sa seguridad ng pagpapatupad ng batas, at mapapasigla ang bagong lakas-panulak para sa mas maganda't mabilis na pag-unlad ng komprehensibo, estratehiko't kooperatibong partnership ng dalawang bansa. Umaasa rin aniya siyang walang humpay na mapapasulong ang pagtaas ng relasyong Sino-Kambodyano sa bagong antas.
Isinalaysay ni Wang na mula ika-20 hanggang ika-23 ng Enero, opisyal na dadalaw sa Tsina si Hun Sen. Ito aniya ang kauna-unahang pagdalaw ni Hun sa taong 2019, at kauna-unahan ding opisyal na pagdalaw sa Tsina sapul nang buuin ang ika-6 na bagong pamahalaan ng Kambodya. Ayon kay Wang, mahigpit na nagkokoordina ang mga kaukulang departamento ng dalawang bansa, para maigarantiya ang pagtatamo ng inaasahang bunga ng nasabing pagdalaw.
Salin: Vera