Kinatagpo nitong Biyernes sa Phnom Penh ni Punong Ministro Hun Sen ng Cambodia si Zhang Chunxian, dumadalaw na Pangalawang Tagapangulo ng Pirmihang Lupon ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC), punong lehislatura ng Tsina.
Sang-ayon ang dalawang lider na pahihigpitin ang pagpapalitan at pagtutulungan ng dalawang bansa sa iba't ibang larangan, at palalalihim ang komprehensibong estratehikong partnership na pangkooperasyon ng dalawang bansa para itatag ang komunidad ng Tsina't Cambodia na may pinagbabahaginang kinabukasan at katuturang estratehiko.
Ngayong taon ay ika-60 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina't Cambodia.
Salin: Jade