Sa sidelines ng Ika-4 na Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Lancang-Mekong Cooperation (LMC), nagtagpo kahapon, Linggo, ika-16 ng Disyembre 2018, sa Luang Prabang, Laos, sina Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, at Hor Nam Hong, Pangalawang Punong Ministro ng Kambodya.
Ipinahayag ng kapwa panig ang kahandaang pahigpitin ang estratehikong koordinasyon at kooperasyon, payamamin ang nilalaman ng komprehensibo, estratehiko, at kooperatibong partnership, palalimin ang kooperasyon sa ilalim ng Belt and Road Initiative, at itatag ang komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan ng Tsina at Kambodya na may estratehikong katuturan.
Ipinahayag din nila ang pagkatig ng kapwa bansa sa Lancang-Mekong Cooperation.
Salin: Liu Kai