|
||||||||
|
||
Chiangmai, Thailand — Mula Enero 17 hanggang 18, 2019, ginanap ang Di-pormal na Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa taong 2019 na may temang "Pagpapasulong ng Partnership Para sa Sustenableng Pag-unlad." Ang Thailand ay kasalukuyang bansang tagapangulo ng serye ng pulong ng ASEAN sa kasalukuyang taon.
Tinalakay sa pulong ng mga kalahok ang tungkol sa pokus ng gawain ng ASEAN sa kasalukuyang taon. Nagpalitan din sila ng kuru-kuro hinggil sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig.
Si Don Pramudwinai sa news briefing
Pagkatapos ng pulong, ipinahayag ni Don Pramudwinai, Ministrong Panlabas ng Thailand, na sinang-ayunan ng mga kalahok ang pagpapalakas ng konektibidad sa rehiyong ito at pagpapasulong ng pagsasakatuparan ng mga estratehikong hangaring gaya ng "Pangkalahatang Plano ng Konektibidad ng ASEAN sa 2025."
Dagdag pa niya, inulit ng mga ASEAN foreign ministers na dapat magkakasama silang magsikap para maigarantiya ang kapayapaan, katatagan, at kasaganaan ng South China Sea.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |