Ipinahayag Martes, Enero 22, 2019 ni Margot Wallström, Ministrong Panlabas ng Sweden, na natapos Lunes, Enero 21, ang pag-uusap sa pagitan ng mga kinatawan ng Hilagang Korea at Estados Unidos. Aniya, mainam at bukas ang atmospera ng nasabing pag-uusap.
Layon ng naturang pag-uusap na pasulungin ang pagtatatag ng iba't ibang kalahok na panig ng mas mahigpit na pag-uugnayan, at ang nilalaman ng pag-uusap ay may kinalaman sa nuclear disarmament, pag-unlad ng kabuhayan, mga suliranin ng seguridad na panrehiyon at iba pa. Sa hinaharap, idaraos ng Sweden ang mas marami pang ganitong pag-uusap, at isasa-alang-alang ang pagtataguyod ng summit tungkol sa isyu ng Hilagang Korea.
Salin: Vera