|
||||||||
|
||
Isang dokumentaryong magkasamang ginawa ng Tsina't at Kambodya ang inilabas nitong Miyerkules ng gabi, Enero 23, sa National TV ng Kambodya. Mahigit 200 panauhing Tsino't Kambodyano ang lumahok sa pasinaya ng nasabing dokumentaryo, at kabilang sa kanila ay sina Yim Chhayly, Pangalawang Punong Ministro ng Kambodya at Ling Li, Opisyal ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina.
Yim Chhayly
Si Ling Li
Ilalabas din ang dokumentaryo sa China Central Television (CCTV) at iba pang mga online video platform ng Tsina.
Mapapanood sa dalawang episode na dokumentaryo ang mga kuwentong may kinalaman sa mga mamamayang Tsino at Kambodyano, na nagpapakita ng kanilang matagal na pagkakaibigan.
Ang dokumentaryo ay magkasamang pinurodyus ng China Intercontinental Communication Center (CICC) at National TV ng Kambodya.
Salin: Jade
Pulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |