Ayon sa National Disaster Management Agency (NDMA) ng Indonesia Huwebes, Enero 24, 2019, 30 katao ang nasawi sa baha at landslide kamakailan sa Lalawigang South Sulawesi ng bansa, 47 ang nasugatan, at 25 iba pa ang nawawala.
Bukod dito, umaapaw sa baha ang halos 2,700 bahay at 11,400 hektaryang sakahan.
Sinabi ng NDMA na sumusulong ang pangkagipitang gawaing panaklolo ng relief team na binubuo ng mga tauhan ng NDMA, Pambansang Kawanihan ng Paghahanap at Pagliligtas, pulis, Red Cross ng Indonesia at mga boluntaryo. Magkakasunod na ipinapadala sa mga apektadong lugar ang mga relief supplies.
Salin: Vera