Isinapubliko kamakailan ng Komite Sentral ng CPC at Konseho ng Estado ng Tsina ang guidelines hinggil sa pagbibigay-suporta sa pinapalalim na reporma at pagbubukas sa labas ng Xiong'an New Area, Hebei Province, Tsina.
Tinukoy ng guidelines na ang pagtatatag ng naturang area ay nagsisilbing mahalagang estratehikong kaayusang isinasagawa ng liderato na pinamumunuan ni Pangkalahatang Kalihim Xi Jinping ng CPC para maisakatuparan ang magkasamang pag-unlad ng Beijing, Tianjin at Hebei. Anito, ito ay nagsisilbing pangkasaysayang estratehikong aksyon ng bansa, pagkaraang itayo ang Shenzhen Special Economic Zone, at Pudong New Area ng Shanghai. Binigyang-diin ng guidelines na susuportahan ng pamahalaan ang Xiong'an area upang isagawa ang mas malawak na reporma at pagbubukas sa labas para isakatuparan ang sustenableng pag-unlad na may mas mataas na kalidad, at episyensiya, para itatag ang huwaran sa gawain ng pambansang reporma at pagbubukas sa labas, alinsunod sa ideya ng inobasyon at pag-unlad.