Idinaos Enero 14, 2019, ang pulong ng Grupo ng mga miyembro ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) ng Pirmihang Lupon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC) para aralin ang mga pahayag ni Xi Jinping sa ika-3 sesyong plenaryo ng Komisyon ng Inspeksyon sa Disiplina ng CPC ng Tsina hinggil sa paglaban sa korupsyon. Ang pulong ay pinanguluhan ni Li Zhanshu, Pirmihang Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng CPC at Tagapangulo ng NPC.
Tinukoy ng pulong na nilagom ng talumpati ni Xi ang karasanan ng sariling pagbabago ng CPC nitong 40 taong nakalipas sapul nang isagawa ang reporma at pagbubukas sa labas ng Tsina, at gumawa rin ng mahalagang estratehikong kaayusan para sa pagpapahigpit ng pagsasaayos sa partido at paglaban ng korupsyon.
Salin:Lele