Sa pagtataguyod ng Embahada ng Tsina sa Laos, idinaos kahapon, Lunes, ika-28 ng Enero 2019, sa Vientiane, ang resepsyon bilang pagdiriwang sa Spring Festival o Chinese New Year.
Sa kani-kanilang talumpati sa resepsyon, kapwa ipinahayag nina Jiang Zaidong, Embahador ng Tsina sa Laos; at Sinlavong Khoutphaithoun, Alkalde ng Vientiane ang pag-asang, sa taong ito na ika-10 anibersaryo ng pagkakatatag ng komprehensibo, estratehiko, at kooperatibong partnership ng dalawang bansa, ibayo pang palalakasin ang pagpapalagayan sa mataas na antas, at pasusulungin ang kooperasyon sa ilalim ng diwang itatag ang komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan ng Tsina at Laos.
Salin: Liu Kai