|
||||||||
|
||
Sa paanyaya ng Pambansang Asemblea ng Laos, mula Enero 17 hanggang 20, 2019, bumiyahe sa Laos si Bai Ma Chi Lin, Pangalawang Pangulo ng Pirmihang Lupon ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina. Magkakahiwalay siyang kinatagpo o kinausap ng mga lider ng Laos na kinabibilangan nina Bounngang Vorachith, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Lao People's Revolutionary Party (LPRP) at Pangulo ng bansa, Pany Yathotu, Pangulo ng Pambansang Asemblea, Sonexay Siphandone, Pangalawang Punong Ministro, at iba pa.
Sinabi ni Bai na nitong ilang taong nakalipas, sustenableng umuunlad ang pagkakaibigang Sino-Lao. Aniya, nakahanda ang NPC na magsikap kasama ng Pambansang Asemblea ng Laos para ibayo pang mapalakas ang pagpapalitan at pagtutulungan, at mapasulong pa ang relasyong Sino-Lao.
Ipinahayag naman ng mga lider Lao ang kahandaang sa pagkakataon ng ika-10 anibersaryo ng pagkakatatag ng komprehensibo't estratehikong partnership ng dalawang bansa, ibayo pang pasulungin ang kooperasyon ng dalawang panig.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |