Ipinahayag ng Tsina ang mariing kahilingan sa panig Amerikano na itigil ang di-makatwirang panggigipit sa mga kompanyang Tsino na kinabibilangan ng Huawei, telecom giant ng bansa, at obdyektibong pakitunguhan ang mga bahay-kalakal na Tsino.
Winika ito ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina sa regular na preskon ngayong araw, Enero 29, bilang tugon sa sakdal ng Kagawaran ng Katarungan ng Estados Unidos laban sa Huawei at chief financial officer nito na si Meng Wanzhou, dahil sa paglabag sa sangsyon ng Amerika sa Iran.
Saad ni Geng, sa likod ng nasabing mga aksyon ng panig Amerikano, may malalakas na tangka at manipulasyong pulitikal.
Diin ni Geng, buong higpit na ipagtatanggol ng Tsina ang lehitimong karapatan at interes ng mga kompanyang Tsino. Hinimok din aniya ng Tsina ang panig Amerikano na bawiin kaagad ang arrest warrant kay Meng.
Salin: Jade
Pulido: Mac