Ipinaalam ng Estados Unidos sa Kanada na ihaharap nito ang pormal na ekstradisyon para kay Meng Wanzhou, Chief Financial Officer ng Huawei, telecom giant ng Tsina. Kaugnay nito, ipinahayag Martes, Enero 22, 2019 ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na hinihimok ng panig Tsino ang Kanada na agarang palayain si Ginang Meng, at totohanang igarantiya ang kanyang lehitimong karapatan at kapakanan. Hinimok din ni Hua ang panig Amerikano na agarang iwasto ang kamalian, alisin ang mandamiyento de aresto kay Meng, at huwag iharap ang kahilingan ng pormal na ekstradisyon sa panig Canadian.
Dagdag ni Hua, paulit-ulit na nagpahayag ng solemnang paninindigan hinggil dito ang Tsina. Aniya, ang kaso ni Meng Wanzhou ay hindi karaniwang kasong hudisyal. Ang pagmamalabis ng panig Kanadyano sa bilateral na ekstradisyon sa pagitan ng Kanada at Amerika ay malubhang lumalapastangan sa kaligtasan at lehitimong karapatan at kapakanan ng mamamayang Tsino.
Salin: Vera