Ayon sa China National Space Administration, hanggang Miyerkules ng gabi, ika-30 ng Enero 2019, muling nagising ang rover at lander ng Chang'e-4 probe, mula sa kanilang "sleep mode" noong unang napakalamig na lunar night, sapul nang lumapag ito sa malayong bahagi o far side ng buwan.
Sinukat ng probe ang temperatura sa ibabaw ng buwan sa gabi, at umabot ito sa minus 190 degree Celsius. Ito rin ang kauna-unahang pagkuha ng Tsina sa temperatura ng buwan sa gabi.
Ang isang lunar day at lunar night ay katumbas sa halos 28 araw sa mundo. Pagpasok ng ikalawang lunar day, muling nagising ang mga instrumentong siyentipiko sa rover at lander ng Chang'e-4.
Salin: Liu Kai