|
||||||||
|
||
Nakatakdang magpulong sina Pangulong Vladimir Putin ng Rusya, Pangulong Recep Tayyip Erdoğan ng Turkey, at Pangulong Hassan Rouhani ng Iran, sa Pebrero 14, sa Sochi, lunsod sa dakong timog ng Rusya.
Ito ang ipinatalastas nitong Linggo ni Dmitry Peskov, Press Secretary ng Pangulo ng Rusya.
Napag-alamang kabilang sa mga pangunahing paksa ng gaganaping summit ay kalagayan ng Idlib ng Syria, pag-uurong ng tropa ng Amerika mula sa Syria, at iba pa.
Salin: Jade
Pulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |