|
||||||||
|
||
Sinabi sa Baghdad, Iraq nitong Lunes, Pebrero 4, local time ni Peter Maurer, Presidente ng International Committee of the Red Cross (ICRC) na kinakaharap ng bansa ang maraming hamong makatao, dahil mayroon pang aabot sa 1.8 milyong tao na walang tahanan.
Sa preskon sa opisina ng ICRC sa Baghdad, sinabi ni Maurer na tumigil na ang karahasan, pero hindi ito nangangahulugang walang umiiral na isyung makatao. Nanawagan siya sa iba't ibang panig na patuloy na magsisikap para matulungan ang mga taong bumalik sa kani-kanilang mga tahanan.
Dumating ng Iraq si Maurer para pasimulan ang kanyang ika-4 na biyahe sa nasabing bansa.
Ayon sa datos ng ICRC, noong 2018, 47 sistemang pantubig ang inayos ng komite at bunga nito, aabot sa 2.5 milyong Iraqi ang nakakainom ng malinis na tubig. Nabigyan din ng ICRC ng pagkain ang 340,000 Iraqi.
Noong Disyembre 9, 2017, ipinatalastas ng Iraq ang tagumpay makaraang mabawi ang lahat ng mga lugar na sinakop ng grupong ekstrimista na IS.
Salin: Jade
Pulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |