|
||||||||
|
||
Ayon sa pagtaya ng China Railway Corporation (CRC), sa 40 araw na Spring Festival o Chinese New Year travel rush mula Enero 21 hanggang Marso 1 sa taong ito, aabot sa 413 milyong pasahero ang ihahatid ng mga tren, na mas mataas ng 8.3% kumpara sa Chinese New Year noong 2018. Sa kauna-unahang pagkakataon, malawakang ginagamit ang mga Fuxing bullet train na may bilis na 350 kilometro bawat oras. Bunga nito, nagiging mas mabilis at maginhawa ang paglalakbay ng mga mamamayang Tsino sa panahon ng pinakamahalagang kapistahan sa kulturang Tsino.
Ipinalabas kagabi, Pebrero 4, bisperas ng Chinese New Year, ang 2019 CMG Spring Festival Gala. Ang panonood ng gala, kasabay ng pagsasalu-salo ng buong pamilya, ay isa sa mga tradisyon ng pagsalubong ng mga mamamayang Tsino sa bagong taon ng Kalendaryong Tsino, nitong mahigit tatlong dekada.
Bilang unang gala sapul nang buuin ang China Media Group (CMG), ang 2019 Spring Festival Gala ay nagtampok sa mga bagong teknolohiya na gaya ng 4K at 5G, kasama ng virtual reality (VR), augmented reality (AR), at artificial intelligence (AI). Bukod sa mga TV channels, napanood ang gala sa pamamagitan ng mga online platform at APP sa cell phone.
Sa pamamagitan ng 4K technology na nagtatampok sa ultra high definition at surround sound, nagkaroon ang mga manonood ng karanasan tulad ng sa sinehan. Samantala, ang 5G network ay nakatulong sa pagpapabilis ng transmisyon ng mga palabas. Kasabay nito, ang AR technology ay nakatulong para sa mas kaaya-ayang palabas gamit ang mga visual effect, at ginamit din ang unmanned aerial vehicles sa naiibang pag-anggulo
Masasabing sa ilalim ng ibayo pang reporma at pagbubukas sa labas ng Tsina, mas maraming bagong teknolohiya ang magpapaginhawa sa pamumuhay ng mga mamamayang Tsino.
Salin: Jade
Pulido: Mac
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |