Binuksan ngayong araw, Lunes, ika-28 ng Mayo 2018, sa Beijing ang Ika-19 na Pulong ng mga Miyembro ng Chinese Academy of Sciences at Ika-14 na Pulong ng mga Miyembro ng Chinese Academy of Engineering.
Dumalo at nagtalumpati sa seremonya ng pagbubukas si Pangulong Xi Jinping ng Tsina. Ipinahayag niyang, dapat puspusang pasulungin ang siyensiya at teknolohiya, para ang Tsina ay maging malakas na bansa sa siyensiya at teknolohiya.
Tinukoy din ni Xi, na dapat igiit ang sarilinang inobasyong pansiyensiya at panteknolohiya, palakasin ang kakayahan ng Tsina sa aspektong ito, at isagawa ang mga konkretong proyekto sa mga masusi, maunlad, at makabagong teknolohiya. Hiniling din niyang lubos na patingkarin ang papel ng inobasyon sa pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan.
Dagdag pa ni Xi, dapat palalimin ng Tsina ang pandaigdig na pagpapalitan at pagtutulungang pansiyensiya at panteknolohiya. Nanawagan siya sa sirkulo ng siyensiya at teknolohiya ng Tsina, na magbigay ng sariling ambag para sa pagharap sa mga komong hamon sa sangkatauhan.
Salin: Liu Kai