|
||||||||
|
||
Ang pagtanda ng populasyon ay isang napakalaking problema ng Tsina. Ayon sa pagtaya, aabot sa 48.7 milyon ang matandang populasyon ng Tsina sa taong 2050, at ito ay 34.9% ng kabuuang popusyon ng bansa.
Madalas na bumisita si Xi sa mga home for the aged sa kanyang mga paglalakbay-suri sa iba't ibang lugar para saliksikin ang kalagayan ng mga pensyonado ng Tsina.
Ang Shanghai ay malaking lunsod na pinakamaagang pumasok sa aging society. Umabot sa 40% ang proporsyon ng mga mga residenteng may edad 60 pataas sa kabuuang populasyon ng Distritong Hongkou ng Shanghai. Noong ika-6 ng Nobyembre 2018, bumisita si Xi sa isang nursing home ng Hongkou, at sinabi niya sa matatanda roon:
"Ang pagtanda ng lipunan ay isa sa mga isyung pinakaseryosong pinahahalagahan ng sentral na pamahalaan. Pumasok na ang Tsina sa aging society, ang masayang pamumuhay ng matatanda ay mahalagang bahagi ng mga gawain para sa pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan. Ang sistema ng pension, ang kalusugan ng mga matatanda, at ang mga kaukulang gawain hinggil dito ay may malaking katuturan. Sana maging masayang masaya ang matatanda araw araw."
Si Xi habang nakikipagkuwentuhan sa mga matanda sa distritong Hongkou sa Shanghai
Pinahahalagahan ng pangulong Tsino kung paano maisasakatuparan ang mga prinsipyo ng pensyon para magbigay ng benepisyo sa mas maraming matatanda. Sa kasalukuayan, itinakda ng Distritong Hongkou ang 3-taong plano ng pagpapabuti ng serbisyo para sa matatanda, at tinatayang daragdagan ang bilang ng nursing home sa 60 at patataasin din ang bilang ng mga istasyon ng pagkain para sa matatanda sa 100. Samantala, ia-angat naman sa 500 ang bilang mga tauhang magbibigay ng serbisyo.
Si Shi Zhuanpa ay isang lolang namumuhay sa Nayon ng Shibadong ng Autonomous Prefecture ng Lahing Miao at Tujia ng Xiangxi, Lalawigang Hunan. Ang lugar ay pinapaligiran ng mga bundok, at ang pamumuhay roon ay napakahirap. Binisita siya ni Xi noong 2013. Narito ang diyalogo sa pagitan nina Xi at Shi Zhuanpa:
Xi: "Inaasahang ko ang pagbisita sa inyo. Ikaw ay 64 taong gulang at ako naman ay 60. Ikaw ay aking kapatid na babae, at sana, may pagkakataong muling magtagpo tayo sa hinaharap."
Shi: "Kayo ay mataas na opisyal, at aming lider. Alam kong lagi mong pinahahalagahan ang aming pamumuhay."
Xi: "Ako ay tagapaglingkod ng mga mamamayan."
Si Xi habang naghahain ng pagkain sa isang matanda sa isang restaurant sa Lanzhou, lalawigang Gansu.
Salin: Lele
Pulido: Rhio
Web-edit: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |