|
||||||||
|
||
Kada taon sa bisperas ng Spring Festival o Chinese New Year, pinakamahalagang kapistahan sa kulturang Tsino, nakikita si Pangulong Xi Jinping ng Tsina na dumadalaw sa mga pinakamahirap na lugar ng bansa.
Walang mamamayan, diin niya, ang dapat maiwan sa landas patungong komong kasaganaan.
Narito ang ikalawang episode ng espesyal na ulat hinggil sa kuwento ni Xi na pinamagatang pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan ang pinakamalahaga.
Ang nayong Shibadong ay matatagpuan sa bulubundukin sa lalawigang Hunan sa gitna ng Tsina. Sa kanyang pagdalaw sa Shibadong noong Nobyembre 2013, iniharap ni Xi ang estratehiya ng "nakatuong pagpapahupa ng karalitaan." Dinalaw niya ang pamilya ni Shi Qiwen at tinanong si Shi hinggil sa kanyang pamumuhay.
--"Mayroon ba kayong sapat na pagkain?"
--"Oo, mayroon kaming isang kamalig."
--"Kumusta ang pang-gastos? Mayroon ba kayong kita sa pag-aalaga ng baboy o tupa?"
--"Mayroon kaming dalawang baboy."
Si Xi, kasama ng mga taga-nayon sa Shibadong, noong Nobyembre, 2013
Noong 2013, wala pang 1,000 ang populasyon ng nayong Shibadong at aabot lang sa 1,700 yuan o 252 dolyares ang taunang per capitang kita. Ito ay 20% lang ng karaniwang taunang per capitang kita ng mga magsasakang Tsino.
Si Xi, kasama ng mga taga-nayon sa Shibadong, noong Nobyembre, 2013
Bunsod ng pagdalaw ni Xi at kanyang estratehiya ng pagpapahupa ng kahirapan, nagpasiya ang mga taga-nayon ng Shibadong na samantalahin ang lakas-manggagawa, produksyon ng pagkain-butil, pagpaparami ng alagaing hayop, burda ng etnikong Miao, at turismo para mapaunlad ang nayon. Noong 2017, nai-ahon sa kahirapan ang lahat ng mamamayan ng Shibadong.
Gayunpaman, ang gastos sa pagpapagamot ay isa pang pangunahing dahilan ng karalitaan ng maraming magsasakang Tsino. Ayon sa estadistika, dahil dito, mahigit 40% ng mga rehistradong mahihirap na Tsino ay nasa ibaba ng poverty line.
Noong Hunyo, 2017 sa kanyang paglalakbay-suri sa nayong Zhaojiawa sa Bulubunduking Lvliang ng lalawigang Shanxi, dumalaw si Xi sa taga-nayon na si Liu Fuyou. Nakaupo sa matigas na kama ni Liu, tinanong ni Xi si Liu hinggil sa kanyang kita at pinaka-ikinababahala.
Balik-tanaw ni Liu:
"Maraming itinanong si Xi. Tinanong niya ako kung ano ang pinagkakagastusan ko. Sagot ko ay bukod sa bayarin sa pagkain, 80% ng natitirang pera ay ginagastos sa gamot at ito ang aking ikinababahala."
Si Xi, kasama ng pamilya ni Liu Fuyou, sa nayong Zhaojiawa, noong Hunyo, 2017
Nagpasiya si Xi na ang pagbibigay-tulong sa mga mamamayan na ibsan ang kahirapang dulot ng sakit ay priyoridad ng mga gawain ng pagpapahupa ng karalitaan ng bansa.
Sa loob ng dalawang buwan noong 2017, mahigit 800,000 tauhang medikal sa kanayunan ay bumisita sa mga mahirap na pamilya para malaman ang kani-kanilang pangangailangan sa medicare.
Sa pamamagitan ng mga segurong medikal at iba pang mga serbisyong medikal, noong 2018, mahigit 5.8 milyong Tsino ang nai-ahon sa karalitaang dulot ng iba't ibang sakit.
Sa kanyang talumpating pambati sa unang araw ng 2019, binanggit ni Xi ang mga natamong bunga ng Tsina sa pagpawi ng karalitaan.
"Noong 2018, 125 mahirap na county at 10 milyong mahihirap na mamamayang Tsino ang nakaalpas sa karalitaan. Pinababa ng pamahalaan ang presyo ng 17 gamot laban sa kanser at inilakip ang mga ito sa listahan ng segurong medikal. Nasa kaibuturan ng puso ko ang mga mamamayang nahihirapan."
Ayon sa pambansang polisya, balak ng Tsina na i-ahon sa karalitaan ang lahat ng mahihirap na mamamayan, para mamuhay sila sa itaas ng bahagdan ng kahirapan o poverty line, na may taunang per capitang kita na 2,300 yuan o 341 dolyares, sa taong 2020.
Pangarap ni Xi na tulungan ang mga mahirap na pamilya na mamuhay nang may dignidad para maisakatuparan ang komong kasaganaan ng sambayanang Tsino.
Salin: Jade
Pulido: Mac
Larawan: Xinhua
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |