|
||||||||
|
||
Sa Baghdad, Iraq--Ipinahayag ni Giuseppe Conte, dumadalaw na Punong Ministro ng Italya ang pagsuporta ng kanyang bansa sa katatagan at rekonstruksyon ng Iraq.
Sa kanyang pakikipag-usap nitong Miyerkules, Pebrero 6, local time, kay Adil Abdul-Mahdi, Punong Ministro ng Iraq, ipinahayag ni Conte ang kahandaan ng Italya sa pagbibigay tulong sa Iraq sa pagsasanay sa mga sundalo, kabuhayan, kalusugan, edukasyon at pangangalaga sa mga relikyang kultural.
Salin: Jade
Pulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |