Idinaos kahapon, Lunes, ika-11 ng Pebrero 2019, ni Premyer Li Keqiang ng Tsina ang pulong ng Konseho ng Estado, para pakinggan ang ulat hinggil sa pagtanggap ng iba't ibang departamento ng pamahalaan sa mga proposal at mosyong iniharap sa mga taunang sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC), at Politikal na Konsultatibong Kapulungan ng Mamamayang Tsino (CPPCC) noong 2018.
Ayon sa pulong, hanggang sa kasalukuyan, tinanggap ng pamahalaan ang mahigit 6319 na proposal ng mga deputado ng NPC at 3863 mosyon ng mga kagawad ng CPPCC. Ang dalawang bilang na ito ay kapwa lumampas sa 85% ng mga proposal at mosyong iniharap sa 2018 sesyon ng naturang dalawang organo.
Batay sa mga ito, inilabas din ng pamahalaan ang mahigit 1400 patakaran at hakbangin, na sumasaklaw sa mga aspekto ng pagbabawas ng karalitaan, pagpapalakas ng healthcare system laban sa mga grabeng sakit, pagpapabuti ng takbo ng mga bangkong komersyal, at iba pa.
Salin: Liu Kai