Simulang talakayin at suriin Disyembre 23, 2018 ng Pirmihang Lupon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina ang panukalang batas hinggil sa pamumuhunan ng mga pondong dayuhan sa bansa.
Ipinahayag ni Fu Zhenghua, Ministro ng Katarungan ng Tsina, na ang priyoridad ng nasabing batas ay nasa larangan ng pagpapasulong at pangangalaga sa pamumuhunan ng mga pondong dayuhan. Ito aniya'y nagpapakita ng kompiyansa at determinasyon ng Tsina sa ibayo pang pagpapalawak ng pagbubukas sa labas.
Samantala, susubaybayan din aniya ng nasabing panukalang batas ang pagtatatag ng mga may-kinalamang sistemang pampamamahala para pigilin ang mga posibleng panganib ng pamumuhunan.