Ayon sa China National Space Administration, sa pagsapit ng lunar night, muling pumasok sa "sleep mode," kamakalawa ng gabi, Lunes, ika-11 ng Pebrero 2019, ang rover at lander ng Chang'e-4 probe.
Ito ang magiging ika-2 lunar night pagkaraang lumapag ang Chang'e-4 sa malayong bahagi o far side ng buwan. Dahil sa napakababang temperatura sa buwan tuwing gabi, kailangang ihinto ang pagtakbo ng lahat ng mga kagamitan sa rover at lander, para maging ligtas ang mga ito.
Ayon pa rin sa ulat, sa ika-2 lunar day, maalwan ang takbo ng rover at lander ng Chang'e-4, at naisagawa ang mga eksperimentong siyentipiko ayon sa nakatakdang plano. Samantala, pagkaraang lumapag sa buwan, tumakbo na ng halos 120 metro ang rover ng Chang'e-4.
Salin: Liu Kai