Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

CRI Komentaryo: Bakit nananatili pa ring batubalani ng puhunang dayuhan ang Tsina?

(GMT+08:00) 2019-02-13 17:06:01       CRI

Sa kabila ng halos 20% pagbaba ng kabuuang halaga ng pagdaigdig na puhunan, ayon sa pinakahuling datos na ipinalabas nitong Martes, Pebrero 12, ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, mahigit 60,000 bahay-kalakal na may puhunang dayuhan ang itinatag sa bansa. Ito'y mas mataas ng 69.8% kumpara sa taong 2017. Kasabay nito, umabot sa 135 bilyong dolyares ang aktuwal na ginamit na kapital na dayuhan, na mas mataas ng 3%, kumpara sa 2017.

Masasabing may tatlong katangian ang puhunang dayuhan sa Tsina.

Una, umakyat ang kabuuang halaga ng puhunang dayuhan sa Tsina at tumaas din ang puhunan sa mga sektor ng hay-tek. Noong 2018, ang proporsyon ng puhunang dayuhan sa sektor ng paggawa ng Tsina ay lumampas sa 30% ng buong puhunan ng bansa; samantala, ang puhunan na ginamit ng sektor ng high-tech manufacturing ay tumaas ng 35%. Noong 2018, sinimulan ng Tesla sa Shanghai ang konstruksyon ng kauna-unahang Gigafactory nito sa labas ng Estados Unidos. Ipinatalastas naman ng BMW ang karagdagang tatlong bilyong euro na puhunan para mapalakas ang production capacity sa Chinese mainland. Samantala, balak ng BP plc, isang Britanikong multinasyonal na kompanya ng langis at gas, na magbukas ng 1,000 pang istasyon ng gas sa Tsina, na magdodoble ng kasalukuyang bilang.

Ang kompiyansa ng mga multinasyonal na kompanya sa pamilihang Tsino ay bunga ng serye ng insentibong hakbanging ipinatalastas ng Tsina. Kabilang sa mga ito ay pag-alis ng limitasyon sa dayuhang pagmamay-ari sa mga industriya na gaya ng paggawa ng bapor at eroplano, paglabas ng timetable para sa pagbubukas ng auto industry ng bansa, at ganap na pagbubukas ng sektor ng paggawa sa puhunang dayuhan.

Pangalawa, inilabas din ng Tsina ang mga patakaran para maakit ang puhunang dayuhan sa sentral, kanluran at hilaga-silangan ng bansa, kung saan mas di-maunlad kumpara sa silangan ng bansa. Kasabay nito, tumulong din ang pamahalaang Tsino sa mga bahay-kalakal na dayuhan na ilipat ang kanilang kapasidad na industriyal mula sa silangan patungo sa nasabing mga lugar ng bansa. Bunga nito, lumaki nang mahigit 15% ang aktuwal na ginamit na kapital na dayuhan sa sentral at kanlurang Tsina.

Pangatlo, mabilis na lumaki ang puhunan sa Tsina mula sa mga maunlad na bansa. Ayon sa datos, noong 2018, umakyat ng mahigit 150% ang puhunan ng Britanya sa Tsina kumpara sa taong 2017. Kasunod ng Britanya, ang Alemanya, Timog Korea at Hapon ay may paglaki na mahigit 79%, 24% at 13%, ayon sa pagkakasunud-sunod. Sa kabila ng alitang pangkalakalan, umabot sa 7.7% ang paglaki ng puhunan ng Amerika sa Tsina. Samantala, ang mga mamumuhunang dayuhan ay nakikinabang sa pagpapatupad ng Tsina sa mga pangako ng pagpapalawak ng pamilihan, paglikha ng mas mainam na kapaligirang pampamumuhunan, ibayo pang pangangalaga sa intellectual property rights (IPR), at pagpapalawak ng pag-aangkat.

Nananatili pa ring malaki ang potensyal ng pamilihan ng konsumo ng Tsina, at bilang supplier, ang Tsina ay maaaring magbigay sa mga mamumuhunan ng mga kinakailangang hardware at software technology. Sa taong ito, balak ng pamahalaang Tsino na ilabas ang mga bagong hakbangin para maging mas kompetetibo ang government procurement. Kasabay nito, patuloy na itatakda ng Tsina ang mga pamantayang industriyal at pagiginhawahin ang pagpapatala at public listing ng mga kompanya. Dahil sa sa nasabing mga bagong inisyatiba, masasabing patuloy na magiging batubalani ng puhunang dayuhan ang Tsina.

Salin: Jade
Pulido: Rhio

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>