Binigyan ng Tsina ng mga pangalan ang limang lugar sa buwan. Ang lugar kung saan lumapag ang Chang'e-4 lunar probe ng Tsina ay tinawag na "Statio Tianhe." Samantala, ang tatlong impact crater sa paligid nito ay magkakahiwalay na tinawag na Zhinyu, Hegu, at Tianjin. Ang taluktok naman sa gitna ng Von Kármán Crater kung saan matatagpuan ang landing location ng Chang'e-4 ay tinawag na Mount Tai.
Ang naturang mga pangalan ay ipinatalastas ngayong araw, Biyernes, ika-15 ng Pebrero 2019, sa Beijing ng China National Space Administration at Chinese Academy of Sciences. Ang mga ito ay inaprobahan din ng International Astronomical Union.
Salin: Liu Kai