Warsaw, Poland—Nagtagpo Huwebes, Pebrero 14, 2019 sina Mike Pompeo, Kalihim ng Estado ng Amerika, at Kang Kyung-wha, Ministrong Panlabas ng Timog Korea. Tinalakay ng kapuwa panig ang hinggil sa pagpapasulong sa denuklearisasyon ng Korean Peninsula at iba pang isyu.
Ayon sa pahayag ng Kagawaran ng Estado ng Amerika nang araw ring iyon, tinalakay nina Pompeo at Kang ang ginagawang pagsisikap sa pagpapasulong sa pagsasakatuparan ng denuklearisasyon ng Hilagang Korea, at ipinaalam sa isa't isa ang kalagayan ng magkahiwalay na pakikipag-ugnayan nila sa Hilagang Korea. Ipinahayag din ng kapuwa panig ang kahandaang patuloy na magpunyagi para sa kooperasyon ng Amerika, Hapon at Timog Korea.
Salin: Vera