Makaraang magtalumpati sa Ika-55 Munich Security Conference (MSC) nitong Sabado, Pebrero 16 (local time), 2019, si Yang Jiechi, Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), sinagot niya ang taong ng mga mamamahayg tungkol sa relasyong Sino-Amerikano.
Ipinagdiinan ni Yang na sinang-ayunan nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Donald Trump ng Amerika na magkasamang isulong ang relasyong Sino-Amerikano na may pundasyon ng pagkokoordinahan, pagtutulungan, at katatagan. Aniya, ang narating na mahalagang komong palagay ng dalawang lider ay nakakapagbigay ng direksyon para sa pag-unlad ng relasyong Sino-Amerikano sa hinaharap.
Kaugnay ng alitang pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Amerika, sinabi ni Yang na nakahanda ang panig Tsino na lutasin ang isyung ito sa pamamagitan ng kooperasyon. Umaasa aniya siyang patuloy na magsisikap ang dalawang panig upang magkaroon ng kasunduang may mutuwal na kapakinabangan.
Tungkol naman sa isyung nuklear ng Korean Peninsula, sinabi ni Yang na buong tatag na nagsisikap ang Tsina para mapangalagaan ang kapayapaan at katatagan sa Hilagang Silangang Asya. Kinakatigan ng panig Tsino ang matagumpay na pagdaraos ng ikalawang NoKor-US Summit.
Salin: Li Feng