Si Cui Tiankai, Embahador ng Tsina sa Amerika
Sa kanyang talumpati Biyernes, Enero 18 (local time), 2019, sa pandaigdigang simposyum bilang paggunita sa ika-40 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Amerika na ginanap sa Carter Center, tinukoy ni Cui Tiankai, Embahador ng Tsina sa Amerika, na ang paghawak sa kasalukuyang relasyong Sino-Amerikano ay dapat palayain ang ideya at kumilos alinsunod sa katotohanan.
Ani Cui, nitong 40 taong nakalipas, naisakatuparan ng relasyong Sino-Amerikano ang napakalaking pag-unlad. Ito aniya ay nakakapaghatid ng napakalaking benepisyo sa mga mamamayan ng dalawang bansa at buong daigdig.
Dagdag pa niya, sa pagtatagpo ng mga lider ng Tsina at Amerika noong unang araw ng Disyembre, 2018, sa Argentina, narating nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Donald Trump ng Amerika ang komong palagay, bagay na nakapagbigay ng patnubay sa pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa sa hinaharap.
Salin: Li Feng