Ipinahayag Biyernes, Enero 18, 2019, ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na buong tinding tinututulan ng panig Tsino ang pagpapalabas ng Pentagon ng "Missile Defense Review Report" kung saan walang batayang nag-hype-up sa "China Threat."
Sinabi ni Hua na walang anumang konstruktibong katuturan ang nasabing kilos ng panig Amerikano. Ito aniya ay makakapinsala sa kapayapaan at kaligtasang panrehiyon, makakaapekto sa proseso ng nuclear disarmament sa daigdig, at makakasira sa estratehikong pagkabalanse at katatagang pandaigdig.
Ani Hua, buong tatag na tinatahak ng Tsina ang landas ng mapayapang pag-unlad, at walang intensyon at hindi ito nagdudulot ng banta sa anumang bansa sa daigdig na kinabibilangan ng Amerika.
Dagdag pa niya, pinapayuhan ng panig Tsino ang panig Amerikano na itakwil ang Cold War mentality at gamitin ang responsableng atityud para mapangalagaan ang kapayapaan at katatagang pandaigdig sa pamamagitan ng aktuwal na aksyon.
Salin: Li Feng