|
||||||||
|
||
Sa panahon ng kanyang pagdalo sa Ika-55 Munich Security Conference (MSC), kinatagpo ni Yang Jiechi, Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), si Sergei Lavrov, Ministrong Panlabas ng Rusya.
Ipinahayag ni Yang na sa ilalim ng patnubay at pagpapasulong nina Pangulong Xi Jinping at Vladimir Putinm, nananatiling mataas na lebel ang pag-unlad ng komprehensibo't estratehikong partnership ng dalawang bansa. Natamo aniya ng kooperasyong Sino-Ruso ang mga mahalagang bunga na nakakapaghatid ng aktuwal na benepisyo sa mga mamamayan ng dalawang bansa. Ito rin ay nakakabuti sa kapayapaan, katatagan, kaligtasan, at kaunlarang panrehiyon at pandaigdig, dagdag niya.
Ipinahayag naman ni Lavrov na lubos na pinahahalagahan ng kanyang bansa ang pagpapaunlad ng komprehensibo't estratehikong partnership ng Rusya at Tsina. Magsisikap aniya ang panig Ruso kasama ng panig Tsino para mapasulong ang pagtatamo ng kanilang relasyon ng mas maraming bunga.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |