Makaraang magtalumpati sa Ika-55 Munich Security Conference (MSC) nitong Sabado, Pebrero 16 (local time), 2019, si Yang Jiechi, Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), sinagot niya ang taong ng mga mamamahayg tungkol sa magkasunod na pagtalikod at pagsuspendi ng pagtutupad ng Amerika at Rusya sa Intermediate-Range Nuclear Forces Treaty (INF Treaty).
Ipinagdiinan ni Yang na buong tatag na naninindigan ang Tsina sa pangangalaga sa estratehikong katatagang pandaigdig. Aniya, ang unilateral na pagdeklara ng Amerika na tumalikod sa INF Treaty ay nagdulot ng grabeng epekto na nakakatawag ng malawakang pansin ng komunidad ng daigdig. Umaasa ang panig Tsino na makakabalik ang Amerika at Rusya sa kasunduang ito, dagdag pa niya.
Salin: Li Feng