Ayon sa ulat kahapon, Huwebes, ika-7 ng Pebrero 2019, ng Ministri ng Tanggulan ng Rusya, ipinatawag ng ministring ito ang military attache ng Embahada ng Amerika sa Rusya, at binigyan siya ng kalatas na nakalakip sa pananawagan sa panig Amerikano na bumalik sa Treaty on the Elimination of Intermediate-Range and Shorter-Range Missiles o tinatawag na INF (Intermediate-Range Nuclear Forces) Treaty, na nilagdaan noong 1987 ng Amerika at dating Soviet Union.
Nauna rito, ipinatalastas ng Kagawaran ng Estado ng Amerika, na simula ng ika-2 ng Pebrero, itinigil ng Amerika ang pagsasabalikat ng mga obligasyon sa INF Treaty at sinimulan ang prosidyur para sa pag-urong sa kasunduang ito. Pagkaraan nito, ipinahayag naman ni Pangulong Vladimir Putin ng Rusya ang paghihinto ng kanyang bansa ng pagsasabalikat ng mga obligasyon sa INF Treaty at hindi pa pagharap ng proposal para sa bagong talastasang pandaigdig hinggil sa kasunduan.
Salin: Liu Kai