Chiangmai — Idinaos Sabado, Pebrero 16, 2019, nina Wang Yi, Kasangguni ng Estado ng Tsina at Ministrong Panlabas ng Tsina, at Don Pramudwinai, Ministrong Panlabas ng Thailand ang estratehikong pagsasanggunian kung saan malaliman silang nagpalitan ng kuru-kuro tungkol sa isyu ng South China Sea.
Lubos na pinapurihan ng dalawang panig ang kasalukuyang matatag na situwasyon sa South China Sea. Ipinagdiinan din nila na dapat patuloy na igiit ng mga kaukulang bansa ang mapayapang paglutas sa hidwaan sa karagatang ito sa pamamagitan ng mapagkaibigang pagsasanggunian at talastasan.
Dagdag pa nila, alinsunod sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), magkakasamang pangangalagaan ng Tsina at mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang malayang paglilipad at paglalayag sa South China Sea upang maproteksyunan ang kapayapaan at katatagan sa karagatang ito.
Salin: Li Feng