Sa kanyang talumpati sa Security Meeting sa Munich, Alemanya, ipinahayag Pebrero 17, 2019 ni Mohammad Javad Zarif, Ministrong Panlabas ng Iran ang pag-asang ibayong magsisikap ang Britanya, Pransya at Alemanya para pangalagaan ang Joint Comprehensive Plan of Action (JCPOA).
Sinabi ni Zarif na sa kasalukuyan, kahit naitatag na ang pagpapalitang pangkalakalan sa pagitan ng Iran at Britanya, Pransya at Alemanya, umaasa pa rin siyang mas malaking pagsisikap ang isasagawa ng tatlong panig para pangalagaan ang JCPOA. Dagdag pa niya, pinapanatili ng Iran ang mga pangako hinggil sa JCPOA.
Samantala, hinihimok naman sa naturang pulong ni Pangalawang Pangulong Mike Pence ng Amerika ang Britanya, Pransya at Alemanya na umurong sa JCPOA, at magbigay-suporta sa isinasagawang sangsyon ng Amerika laban sa Iran.