Miyerkules, Hunyo 13, 2018, ipinahayag ni Behrouz Kamalvandi, Tagapagsalita ng Atomic Energy Organization of Iran (AEOI), na kung mawawalan ng bisa ang Joint Comprehensive Plan of Action (JCPOA), sisimulan muli ng Iran ang uranium enrichment sa Fordow Fuel Enrichment Plant.
Noong Mayo 8, ipinatalastas ni Pangulong Donald Trump ng Estados Unidos ang pagtalikod ng Amerika sa JCPOA, at muling pagsisimula ng sangsyon sa Iran. Kaugnay nito, ipinahayag ng panig Iranyo na ito'y pansamantalang mananatili sa JCPOA, at makikipagsanggunian sa ibang may kinalamang panig ng nasabing kasunduan. Pero dagdag ng Iran, kung hindi mapapangalagaan ang kapakanan ng bansa na itinadhana ng kasunduan, sisimulan muli ng AEOI ang uranium enrichment "sa anumang antas."
Salin: Vera