|
||||||||
|
||
Phnom Penh, Kambodya—Binuksan Lunes, Pebrero 18, 2019 ang aktibidad na "Perceiving China, Jiangsu Culture Week." Dumalo sa nasabing aktibidad sina Prinsesang Norodom Bopha Devi ng Kambodya, Embahador Wang Wentian ng Tsina sa Kambodya at iba pang personahe.
Si Prinsesang Norodom Bopha Devi ng Kambodya
Sa kanyang talumpati sa aktibidad, ipinahayag ng prinsesang Kambodyano na ang pagdaraos ng nasabing aktibidad sa Kambodya ay nakakapagpatingkad ng bagong lakas-panulak para sa pagpapalitang kultural at people-to-people exchanges ng dalawang bansa.
Si Wang Wentian, Embahador ng Tsina sa Kambodya
Sinabi naman ni Embahador Wang na ang kasalukuyang taon ay "Taon ng Kultura at Turismo ng Tsina at Kambodya." Sa panahon ito, itataguyod ng dalawang bansa ang serye ng mga aktibidad na pangkultura, pampalakasan, panturista, at pagpapalitan ng mga kabataan, para manahin ang tradisyonal na pagkakaibigan, at mapalawak ang pagpapalitang di-pampamahalaan, dagdag niya.
Idaraos sa Thailand ang naturang aktibidad.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |