Ayon sa pinakahuling ulat na isinapubliko ng World Trade Organization (WTO) tungkol sa tunguhin ng kalakalang pandaigdig, kung hindi mapapahupa ang maigting na kalagayan ng kasalukuyang kalakalang pandaigdig, patuloy na pagbagal ang bahagdan ng paglaki nito sa unang kuwarter ng kasalukuyang taon.
Sa epekto ng maigting na kalagayan ng kalakalang pandaigdig at patakaran ng pananalapi sa mga maunlad na bansa, noong Setyembre ng nagdaang taon, magkahiwalay na ibinaba sa 3.9% at 3.7% ng WTO ang pagtaya ng paglaki ng kalakalang pandaigdig sa 2018 at 2019. Ngunit ipinahayag ng WTO na kung mapapadami o mapapabuti ang matatag na elemento sa kapaligiran ng patakarang pangkalakalan, posibleng mabilis na aahon ang paglaki ng kalakalang pandaigdig.
Salin: Li Feng