Mula Pebrero 18 hanggang 21, 2019, bumiyahe sa Laos si Ning Jizhe, Pangalawang Puno ng Pambansang Komisyon ng Pag-unlad at Reporma ng Tsina. Layon nitong isakatuparan ang napagkasunduan ng mga lider ng dalawang bansa tungkol sa magkasamang pagtatatag ng Sino-Lao Economic Corridor, puspusang pagtatatag ng daam-bakal ng dalawang bansa, at buong tatag na pagpapasulong ng kooperasyon sa kakayahan ng produksyon.
Sa panahon ng kanyang biyahe, bumisita ni Ning sina Punong Ministro Thongloun Sisoulith, Pangalawang Punong Ministro Somdy Douangdy, Ministro Souphanh Keomixay ng Pagpaplano at Pamumuhunan, at iba pang opisyal ng Laos.
Salin: Li Feng