Vientiane — Sa kanyang pakikipagtagpo Linggo, Disyembre 16 (local time), 2018, kay Boungnang Vorachith, Pangkalahatang Kalihim ng Lao People's Revolutionary Party (LPRP) at Pangulo ng Laos, ipinahayag ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na ang pagpapanatili ng magandang relasyon ng mga lider ng dalawang bansa ay nakakapagpatingkad ng mahalagang papel para sa pag-unlad ng relasyon ng dalawang partido at bansa. Nakahanda aniya ang panig Tsino na magsikap kasama ng panig Lao para maisakatuparan ang natamong bunga ng pagdadalawan ng mga lider ng dalawang partido at bansa, komprehensibong mapasulong ang kooperasyon sa iba't-ibang larangam, at makalikha ng magandang kinabukasan ng relasyon ng dalawang bansa.
Ipinahayag naman ni Boungnang na sa kasalukuyan, ang relasyon ng dalawang partido at bansa ay nasa pinakamabuting yugto. Pinasalamatan din niya ang ibinibigay na tulong at pagkatig ng Tsina sa Laos sa mahabang panahon. Lubos na pinahahalagahan ng panig Lao ang konstruksyon ng daam-bakal ng Tsina at laos, at maalwan sa ngayon ang progreso ng proyektong ito, dagdag pa niya.
Salin: Li Feng