Manila—Miyerkules, Pebrero 20, 2019, nagtagpo sina Pangulong Rodrigo Duterte at Zhao Jianhua, Embahador ng Tsina sa Pilipinas.
Pinarating ni Embahador Zhao kay Pangulong Duterte ang pangungumusta ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, at ipinaalam ang kalagayan ng pagpapatupad ng mga bunga ng pagdalaw ni Xi sa Pilipinas noong Nobyembre ng 2018. Isinalaysay din ni Zhao ang progreso ng mga preparatoryong gawain hinggil sa ika-2 Belt and Road Forum for International Cooperation (BRF). Ani Zhao, lubos na pinahahalagahan at inaasahan ng pamahalaang Tsino ang pagdalo ni Pangulong Duterte sa nasabing summit. Nananalig aniya siyang ang pagdalo ni Duterte ay ibayo pang makakapagpasulong sa konstruksyon ng Belt and Road, at makakapagpatingkad ng bagong lakas-panulak para sa pag-unlad ng bilateral na relasyon ng Tsina't Pilipinas.
Ikinasiya naman ni Duterte ang kasalukuyang pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa. Aniya, buong pananabik niyang inaasahan ang muling pakikipagtagpo kay Pangulong Xi. Nananalig aniya siyang ibayo pang pasusulungin ng gaganaping summit ang pagtatamo ng malaking progreso ng relasyong Pilipino-Sino.
Salin: Vera