Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Komboy ng tropang pandagat ng Tsina, nasa Manila

(GMT+08:00) 2019-01-17 15:59:49       CRI

Manila—Isang komboy ng tropang pandagat ng Tsina ang dumating dito Lunes, ika-17 ng Enero, 2019 para isagawa ang 5 araw na mapagkaibigang pagdalaw sa Pilipinas. Ang komboy na ito ay binubuo ng dalawang Type-054A guided missile frigates na Wuhu at Handan, at isang replenishment ship na Dongpinghu.

Si Commodore Wilfredo Burgunio, Deputy Commander ng Philippine Fleet

Sa seremonya ng pagsalubong sa tropang pandagat ng Tsina, ipinahayag ni Commodore Wilfredo Burgunio, Deputy Commander ng Philippine Fleet, ang mainit na pagtanggap sa kanila. Sinabi niyang ang pagdalaw ng delegasyong Tsino ay magpapahigpit ng relasyon sa pagitan ng dalawang bansa at kanilang tropang pandagat. Ito rin ay makakatulong sa pagpapanatili ng kapayapaan, katatagan at kooperasyong pandagat sa rehiyong ito, aniya pa.

Umaasa aniya siyang sa pamamagitan ng pagdalaw na ito, mapapasulong ang relasyon ng dalawang tropang pandagat sa bagong antas.

Si Rear Adm. Xu Haihua, Komander ng komboy

Ipinahayag naman ni Rear Adm. Xu Haihua, Komander ng komboy, na ang pagdalaw ng kanyang komboy ay naglalayong pasulungin ang kapayapaan at pagkakaibigan sa pagitan ng dalawang panig. Ito rin aniya ay magpapalalim ng pagtitiwalaan at pagpapalitan ng tropang pandagat ng dalawang bansa.

Mahigit 200 katao na kinabibilangan ng mga opisyal ng Embadang Tsino, staff ng bahay-kalakal ng Tsina sa lokalidad, at Filipino Chinese, ang dumalo sa seremonya ng pagsalubong.

Sa kanilang pagdalaw sa Pilipinas, isasagawa ng komboy ng Tsina ang magkasanib na pagsasanay, kasama ang mga counterpart na Pilipino. Pupuntahan din nila ang mga mataas na opisyal ng tropang pandagat ng Pilipinas.

Bukod dito, isasagawa ng delegasyong Tsino ang resepsyon, at open door day sa mga Pilipino at mga local Chinese. Dadalaw rin sila sa Naval Base na Heracleo Alano ng Pilipinas.

Ang komboy na ito ay ang ika-30 task force na ipinadala ng tropang pandagat ng Tsina para isagawa ang 4 na buwang misyon ng proteksyon sa Gulf of Adin sapul noong Agusto ng taong 2018. Ipinagkaloob nito ang gawaing panseguridad para sa mga bapor ng iba't ibang bansa na gaya ng Pilipinas para mapayapang makapaglayag sa naturang rehiyong pandagat.

Ulat: Ernest / Sissi
Pulido: Rhio
Web Editor: Lito

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>