Nag-usap Nobyembre 16, 2017 sa telepono sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Haring Salman bin Abdulaziz Al Saud ng Saudi Arabia. Binigyang-diin ni Pangulong Xi na bilang komprehensibong estratehikong magkatuwang, humihigpit ang pagpapalitan ng mga liderato ng dalawang bansa, at walang tigil na umuunlad ang kanilang estratehikong pagtitiwalaan at pagtutulungang may mutuwal na kapakinabangan. Aniya, kahit nagbabago ang kalagayang panrehiyon at pandaigdig, hindi mababago ang determinasyon ng Tsina sa pagpapalalim ng estratehikong pakikipagtulungan sa Saudi Arabia.
Ipinahayag naman ni Salman bin Abdulaziz Al Saud na nananatiling mabunga ang pagtutulungan ng Tsina at Saudi Arabia. Aniya, bilang mahalagang partner ng Tsina sa Gulpo, magsisikap ang Saudi Arabia para pahigpitin ang pagtutulungan ng dalawang bansa sa ibat-ibang larangang kinabibilangan ng enerhiya, pinansya, ugnayan ng "2030 Pambansang Estratehiyang Pangkaunlaran" ng Saudi Arabia at "Belt and Road Initiative" ng Tsina, at iba pa, para palakasin ang komprehensibong partnership ng dalawang bansa.
Samantala, nagpalitan din ng kuru-kuro ang dalawang lider hinggil sa mga isyung panrehiyon at pandaigdig.